Thursday, April 24, 2008
San Miguel Beer Question
April 17, 2008 11:57 PM
Magandang araw sa inyo Dr. Protacio...
Nais ko lang magtanong sa inyo, kung bakit maraming produkto sa Pilipinas na hindi makita dito sa Washington State... Nagpunta ako sa California last month... At marami akong nakitang mga produktong Pilipino... Mayroon silang Jollibee, Red Ribbon at Chowking... Mayroon bang balak ang Kumpanya ng Jollibee na maglagay ng Store nila dito sa Seattle... Kahit isa o dalawa man lang... Nagulat nga ako nung pabalik ako sa Seattle sakay ng eroplano... Bitbit ko yung Hamburger ng Jollibee, at nangangamoy sa loob ng eroplano yung sarap ng Hamburger... May isang Puting Babae ang nagtanong sa akin, kung Jollibee raw yung dala ko... Sabi ko, Yes Mam... Nagulat ako sa sinabi nung babae sa akin... Amerikana yun Sir, pero alam na alam yung produkto ng Pilipino...
Lalo na itong San Miguel Light Beer...
Sikat na sikat ito sa atin... Pero isa man sa Filipino store dito sa Seattle, walang nagbebenta... Naturingan pa namang Filipino Store, kulang kulang... Kung ano yung dapat na mga mabenta at kilala sa Pinas dapat mayroon din dito... Alam nyo naman siguro na sikat yang San Mig Light sa Pinas...
Pansin nyo naman yan sa dalas ng uwi nyo sa atin pag napupunta kayo sa mga Berdey o Selebrasyon... Alam nyo naman ang mga Pinoy, malakas sa inuman... Kaya sigurado ako, madami rin ang naghahanap ng Beer na yan... Iniisip ko nga kung bakit sa California mayroon, bakit dito sa Seattle WA wala... Marami na rin namang Pilipino dito sa atin di ba... Maraming Salamat sa pagbasa nyo sa aking liham... Lubos na gumagalang...
Mark Lawrence
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment